Dalawang tama ng bala sa ulo ang naging sanhi ng pagkamatay ng umano’y police asset matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Salvador Jamin, nasa hustong gulang, ng Barangay 145, Santo Niño ng nasabing lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief Senior Supt. Lawrence Coop, dakong 6:00 ng gabi nangyari ang insidente sa harap ng lotto outlet sa Kamagong Street, Bgy. 145, Pasay City.

Naglalaro ang biktima ng Keno Game Lotto sa lugar nang sumulpot sa likuran nito ang isang armado at dalawang beses itong binaril sa ulo.

Internasyonal

Ipadedeport! Pinoy detainee, pinakawalan ng ICE matapos umano'y mapabayaan sa kulungan; maputulan ng bahagi ng paa

Narekober ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa pinangyarihan. (Bella Gamotea)