Isa na naman umanong kilabot na drug pusher na kabilang sa drug watch list ng pulisya ang napatay makaraang pumalag sa buy -bust operation sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing suspek na si Pablo Cabangon, 42, ng Block 23, Sunrise St. Village, Barangay Silangan, Quezon City.

Sa report ni SPO2 Jerry Tamargo, ng Batasan Police Station 6, may hawak ng kaso, dakong 8:00 ng gabi kamakalawa nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan ng suspek at ng awtoridad.

Sa gitna ng transaksiyon, nakatunog umano si Cabangon na pulis ang kanyang katransaksiyon dahilan upang bumunot siya ng baril ngunit siya’y inunahan ng mga pulis na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Narekober sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at isang .45 caliber na bari. (Jun Fabon)