Duguang bumulagta sa semento ang isang drug pusher, kapalayaw ng anak ng aktres na si Kris Aquino na si “Bimby”, matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dalawang tama ng bala sa dibdib ang ikinamatay ni Romeo “Bimby” Rivera, nasa hustong gulang, ng Road 10, corner Zaragosa Street, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), ikinasa ang buy-bust operation sa mismong bahay ng suspek, dakong 1:55 ng madaling araw kahapon.

Gayunman, nakahalata umano si Rivera na pulis ang kasama ng impormante kaya kaagad itong bumunot ng baril ngunit siya’y inunahang magpaputok ni PO1 Rod Moralidad na tumayong poseur buyer.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Narekober ang apat na sachet ng shabu at isang kalibre .38 baril. (Mary Ann Santiago)