SANTA IGNACIA, Tarlac – Inireklamo ng isang lalaki ang kanyang asawa na umano’y nangaliwa at tuluyan nang sumama sa isang driver sa Barangay Caanamongan, Santa Ignacia, Tarlac.

Ayon kay PO3 Geoffrey Villena Enrado, nagsampa si Orlando De Leon, 49, magsasaka, ng Bgy. Timmaguab, ng kasong adultery laban sa kanyang misis at sa umano’y kalaguyo nitong si Vir, may asawa, kapwa nasa hustong gulang.

Batay sa imbestigasyon, ang ginang ay namasukang kasambahay kay Fe Sabado sa Bgy. Poblacion West, habang personal driver naman ng huli si Vir, at pinaniniwalaang nagkamabutihan ang dalawa. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog