TARLAC CITY - Isang driver ng UV Express van na lumabag sa batas trapiko ang inaresto ng mga tauhan ng Public Order and Safety Office (POSO) matapos suhulan ang traffic enforcer na humuli sa kanya sa Barangay Cut-Cut 1st, Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police Chief, Supt. Bayani Razalan, pansamantalang nakadetine ngayon sa himpilan ng pulisya si Renato Aguilo, 39, ng Bgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal.

Ayon kay Noel Ferrer, 42, traffic enforcer, Miyerkules ng umaga at nagmamando siya ng trapiko sa lugar nang mapansin niya ang pagkakaharang ng van ng suspek sa entrance parking lot ng Magic Star Mall.

Nang sitahin si Aguilo ay sinuhulan umano nito ng dalawang P50 bill si Ferrer kaya inaresto siya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog