manilyn-sheryl-at-tina-copy

EXCITED na ikinuwento ni Sheryl Cruz sa amin na nag-umpisa na sila last Wednesay ng taping kasama sina Tina Paner at Manilyn Reynes.

Ayon kay Sheryl, pinalitan na ang title na “Love Amour” ng Meant To Be serye na muling bubuo sa kanilang tatlo. Noong bagets pa sila, nakilala sa That’s Entertainment bilang The Triplets ang kanilang grupo.

Pawang magaganda raw ang roles nilang tatlo.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Ako si Beatrice del Valle, nasa edad 40, a loving mother and friend nina Tina at Manilyn na fraternal twins.

Nagkaroon kami ng ng singing group nu’ng college days namin, nagkawatakwatak, nag-asawa at nangibang-bansa,” sey pa ni Sheryl.

Nakapag-asawa si Beatrice ng British at nagkaroon ng pagkakataon na bumalik sa Pilipinas.

“Anak ni Mane si Barbie (Forteza, ang bida), anak naman ni Tina ‘yung kapatid ni Angelika (de la Cruz) na former talent ng ABS-CBN (si Mika dela Cruz) at anak ko naman ‘yung half-British na si Ivan Dorschner na isa sa mga manliligaw ni Barbie sa serye,” lahad pa ni Sheryl.

Para kay Sheryl, magandang vehicle ang Meant To Be para sa muling pagsasama-sama nilang tatlo at sana raw ay suportahan din ng mga tagahanga ng Triplets.

Kay Sheryl din namin nalaman na sa January 2017 na ang airing ng serye nila, ipapalit sa magwawakas nang Someone To Watch Over Me.

Samantala, walang problema si Sheryl sa moral at financial support ng dating asawa niyang si Norman Bustos sa kanilang anak.

“Si Norman, eh, he makes it a point to visit his daughter every year especially after the school year. Lagi namang pumupunta si Ashley sa California for two months vacation, kaya wala kaming problema,” banggit ng aktres.

“We might be celebrating Christmas and New Year overseas,” dugtong pa ni Ms. Sheryl Cruz. (JIMI ESCALA)