STA. BARBARA, Pangasinan - Ilang anggulo ang tinitingnan ngayon sa pagpatay sa isang barangay chairman at tatlo niyang kaanak na pinagbabaril habang sakay sa tricycle malapit sa Malanay Bridge sa bayang ito.
Ayon kay Chief Insp. Rex Infante, hepe ng Sta. Barbara Police, Martes ng gabi nang ratratin si Cecelio Garcia Ballesteros, Jr., 56, incumbent chairman ng Barangay Banzal; anak niyang si Brian Jose Ballesteros, 34; bayaw na si Manuel Lalas Aquino, 36, obrero; at kapatid na si Dionisio Garcia Ballesteros, 54 anyos.
Sa panayam kahapon ng Balita Chief Insp. Rex Infante, kabilang sa mga tinitingnan nilng anggulo sa krimen ang droga, dahil si Brian Jose ay isang drug personality.
Posible rin ang anggulong love triangle sa panig ng chairman, at cattle rustling na umano’y kinasasangkutan ng pamilya nito. (Liezle Basa Iñigo)