LIAN, Batangas - Kapwa patay ang isang mag-asawa gayundin ang kanilang bisita matapos silang pagbabarilin sa Lian, Batangas.
Kinilala ang mga biktimang sina Ronaldo at Maria Royette Sobrado, at Raymundo Bautista.
Ayon sa report ni SPO1 Sherwin Caparas, dakong 3:20 ng hapon nitong Lunes at nasa loob ng bahay ng mga Sobrado sa Barangay Poblacion 4 ang mga biktima nang pasukin sila ng anim na suspek.
Pinagbabaril umano ng mga suspek ang tatlo bago tumakas sakay ng isang SUV.
Pawang nasa drug watchlist, napaulat na nahaharap ang mag-asawa sa kasong may kinalaman sa droga, habang sumuko naman sa Oplan Tokhang ng pulisya si Bautista. (Lyka Manalo)