CAMP DANGWA, Benguet – Isang mag-asawa ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi nakilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Tabuk City, Kalinga, ayon sa ulat na natanggap ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera sa La Trinidad.

Sa report ni Kalinga Police Provincial Office Director Senior Supt. Brent Madjaco, nakilala ang biktimang sina Marcelo Mangawit Magandang, 64, preacher; at Marcelina Babate Magadang, 67 anyos.

Ayon kay Madjaco, dakong 6:20 ng gabi nitong Lunes at naghahapunan ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Bgy. Bantay nang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin sila.

Narekober ng pulisya sa bahay ng mga biktima ang mga basyo ng bala ng caliber 5.56. Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog