KALIBO, Aklan - Isang 43-anyos na umano’y serial rapist ang naaresto ng awtoridad sa bayang ito.
Kinilala ng Kalibo Police ang nadakip na si Vicente Fernando, scavenger, taga-Banga, Aklan.
Nakilala si Fernando sa footage ng CCTV camera habang kahawak-kamay ang bata na isa sa mga biktima nito.
Ayon kay Chief Insp. Terence Paul Sta. Ana, hepe ng Kalibo Police, dalawang menor de edad—isang edad 10 at siyam na taong gulang—ang magkasunod na nagreklamo sa pulisya matapos umanong halayin ng suspek.
Sinabi ni Chief Insp. Sta. Ana na nakulong na noong nakaraang taon si Fernando sa Banga matapos kasuhan ng rape. (Jun N. Aguirre)