MELBOURNE, Australia – Impresibo ang UFC debut ni Pinoy fighter Jenel Lausa sa dominanteng panalo kontra Yao Zhikui ng China sa UFC Fight Night 101 nitong Linggo sa Rod Laver Arena.

Naitala ng 28-anyos MMA fighter mula sa Iloilo City ang unanimous decision kontra Yao sa kanilang flyweight match-up sa nakuhang iskor na 30-27 mula sa tatlong hurado.

Ang laban ni Lausa ay isa sa walong supporting bout sa main event sa pagitan nina Robert Whittaker at Derek Brunson.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This win is going to be the first of many and I hope to get more blessings, more fights and hopefully I will eventually get to the belt,” pahayag ni Lausa sa panayam ng UFC.com.

Nakatakda sanang mag-debut sa UFC si Lausa, tinanghal na PXC lightweight champion sa Pilipinas nang gapiin si

Crisanto Pitpitunge noong Enero, sa UFC Fight Night Manila sa MOA Arena, ngunit hindi natuloy ang promotion.

Tangan ni Lausa ang MMA record na 7-2.

Nadiskaril ang porma ni Yao nang tamaan ng sipa sa ulo ng Pinoy. Nakabalik ito, ngunit, bigong tapatan ang lakas ni Lausa.

“I want to thank all of my family, my wife and son, my team, my fans, everyone who has always supported me in the Philippines and around the world, I am especially thankful to God for this blessing,” aniya.