RAMOS, Tarlac - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang sarhento ng Philippine Army ng mga pinaniniwalaang naghiganti sa kanya, tatlong hindi nakilalang armado, sa Barangay Toledo sa bayang ito, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni SPO1 Ritchel Lactaotao Antonio ang napatay na si S/Sgt. Nicanor Jay Gallardo, 38, nakatalaga sa Fort Bonifacio, Taguig City, at residente ng Bgy. Maybubon, Guimba, Nueva Ecija.

Napaulat na pinagbabaril si Gallardo sa harap ng asawa niyang si Adora Gallardo, 35, at ng apat na taong gulang nilang anak.

Dakong 7:10 ng gabi at sakay sa tricycle ang pamilya ng biktima nang harangin sila ng mga suspek na pawang nakatakip ang mukha at pinagbabaril ang sarhento. (Leandro Alborote)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match