taylor-copy

IPINAGDIWANG ni Taylor Swift ang Thanksgiving sa paggawa ng “mannequin challenge” video kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ipinost ang video ng singer sa kanyang Instagram account nitong Huwebes na mapapanood si Swift at ang kanyang mga kaibigan na naka-froze sa iba’t ibang pose sa Rhode Island beach bago sila nagsasasayaw.

Nag-post din si Swift ng iba’t ibang larawang kuha sa kanya kasama ang mga kaibigang modelo na sina Lily Donaldson at Martha Hunt. Kasama rin sa bakasyon ni Swift ang Broadway star na si Todrick Hall at kapatid na si Austin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Si Swift ang pinakabagong celebrity na nag-mannequin challenge, ang bagong uso at viral sa social media nitong mga nakaraang linggo. (AP)