Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang mag-ama matapos mahulihan ng marijuana na nakalagay pa sa paso sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hatinggabi.

Kaso ng paglabag sa Section 11 o illegal possession of dangerous drug, sa ilalim ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), ang kinakaharap nina Robert Taraya, 46, driver; at John Kenneth Taraya, 21, pintor, kapwa residente ng 2170 Infanta Street, Balut, Tondo.

Sa ulat ni Police Supt. Robert Domingo, hepe ng MPD-Station 1, nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang kanyang mga tauhan, sa pangunguna ni Police Senior Insp. Monico Allado, nang maaktuhang inilalabas ni Kenneth ang isang paso na tinaniman ng marijuana.

Bukod sa tanim na marijuana, nakumpiska rin ang limang plastic sachet na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana at mga buto nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi naman itinanggi ni Kenneth na gumagamit siya ng marijuana at sinabing iniwan lang ito sa kanila ng kanilang kapitbahay kaya’t inilabas nila ito sa takot na madamay sa umiinit na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. (Mary Ann Santiago)