SAN MANUEL, Tarlac – Isang lalaki ang nasaw at tatlo ang grabeng nasugatan makaraang magkabanggaan ang isang tricycle at isang Genesis bus sa highway sa Barangay Legaspi, San Manuel, Tarlac.

Patay si Mhar Balmonte, 32, ng nasabing barangay, na pasahero sa tricycle (XB-7359) na minamaneho ni Lou John Yerro, 23, na kabilang sa mga nasugatan.

Bukod kay Yerro, nasugatan din sina Angelo Pascual, 19; at Jhon Ali Miran, 18, pawang taga-bgy. Legaspi, San Manuel, Tarlac.

Nakasalpukan ng tricycle ang bus (UWF-705) na minamaneho ni Felizardo Sevilla, 51, ng Guinayangan, Quezon. (Leandro Alborote)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match