ISULAN, Sultan Kudarat – Pawang nasakote ang mga tatlong puntirya sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng Sultan Kudarat Police Provincial Office (PPO) nitong Martes.

Ayon kay Sultan Kudarat PPO Director Senior Supt. Raul Supiter, dakong 4:30 ng hapon nang ikasa ang unang operasyon sa Purok Daisy, Barangay New Isabela, Tacurong City at nahulihan si Jed Betito ng apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Dakong 5:00 ng hapon nang maaresto sa Isulan si Richelle Morales y Dasmariñas, 45, may asawa, walang trabaho, ng Bgy. Poblasyon, Tacurong, at makumpiskahan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Bandang 9:30 ng gabi nang matimbog si Isidro Emplamado y Capundan, 50, may asawa, tricycle driver, ng Bgy. Bambad, Isulan, at makuhanan ng 14 na sachet ng hinihinalang shabu at marked money. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito