Isa na namang kapana-panabik na labanan ang naganap kahapon sa Ynares Sports Arena sa pagratsada ng 14thleg ng umaatikabong 2016 UFCC Stagwars.

May kabuuang 102 sultada ang nakalinyang bibitiwan.

Ang 13th leg solo champion na si RJ Mea ang nangunguna para sa titulo ng Stagfighter ng Circuit Two at ang entry nila ng kanyang ama na si Danny Mea na DMM RJM Tiaong ang isa sa mga paborito para sa kampeonato.

Nagsama-sama ang Thunderbird Bexan XP, Solaire Resorts & Casino at Resorts World – Manila para masiguro ang tagumpay ng 2016 UFCC Stagwars na pinamumunuan ng Ultimate Fighting Cock Championships.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang panalong ito ni Mea ay nagtulak sa kanya sa unahan ng labanan para sa Stag Fighter ng Circuit Two na may kabuuang 23 points, sinundan siya ng kababayang taga Quezon din na si Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) na may 18.5 points; Dorie Du (Mergie Davao) – 18 points; Arman Santos (Jade Red) 17 points at Nelso Uy/Dong Chung (Full Force).

Nangunguna sa labanan para sa 2016 UFCC Stagfighter of the Year si Dorie Du at Aurelio (Mergie/Davao) na may limang puntos na kalamangan sa puma-pangalawang si Arman Santos (Jade Red) – 42 puntos.

Pangatlo si Joey de los Santos (San Roque) na may 41.5 points; Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) sa ika-apat na may 41 points; Eric dela Rosa (Polomok) at Cong. Unabia/Fermie Medina (JM Fafafa) at Nelson Uy/Dong Chung (Full Force) sa ika-limang puwesto na may 40 points.

Babalik ang matinding bakbakan na ito sa Ynares Sports Arena sa Nov 26 para sa 15th leg ng labanan.

Ang ikalawa sa huling yugto ay lilipat naman sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City sa Nov. 29 at ang pinakarurok ng kampeonato na 7-stag derby ay itinakda sa Ynares Sports Center sa December 3.

Samantala, wala ng makapipigil sa pinaguusapang 2017 World Pitmasters Cup na idaraos sa darating na January 15-21, 2017 sa Resorts World-Manila na may P15 Million guaranteed price, P88,000 entry fee at minimum bet na P33,000.

Pinangungunahan nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea ang prestihiyosong labanan.

Ang lahat ng kumpirmadong sasali at ang mga gusto pang sumali ay inaanyayahang dumalo sa isang “Getting-to-Know & Orientation Dinner” sa Passion Restaurant, Resorts World – Manila sa ganap na ika-anim ng gabi ng ika-30 ng Nobyembre.