221116_dayan_07_balmores-copy-copy

Inilarawan ni Ronnie Dayan na pambihirang pagkakataon lang ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Senator Leila de Lima.

“High school graduate lang po ako,” ayon kay Dayan sa mga mamamahayag, matapos siyang ikostudya ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Si Dayan ay nakasuot ng itim na jacket, puting t-shirt, shorts at flip-flops na tsinelas. Hitsurang pagod si Dayan matapos maaresto ng mga awtoridad sa La Union, nang makapanayam ng mga mamamahayag.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

High school graduate siya, samantala si De Lima,57, ay naging secretary ng Department of Justice (DoJ) bago maging senadora; chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) noong 2008; nagpraktis ng abogasyo mula 1998 hanggang 2007; grumadweyt na salutatorian sa kursong Bachelor of Laws sa San Beda College of Law at top 8th sa 1985 Philippine Bar Examinations.

Karatula

Walang trabaho noong 2007 si Dayan nang makita niya ang karatula ng job opening sa law firm ni De Lima.

“Eleksyon kasi ‘yun nung nag-apply kami,” ani Dayan. “Opo, nag apply akong driver-bodyguard, natanggap naman ako,” kuwento niya.

7-taon

Kasunod nito, nagkaroon na ng relasyon sina Dayan at De Lima na umabot ng pitong taon.

“Noong 2007 ako naging bodyguard ni ma’am tapos nagka- relasyon nang pitong taon,” maikling kuwento ni Dayan.

Ang relasyon ay magugunitang kinumpirma na rin ni De Lima kamakailan.

Si De Lima na may dalawang anak ay hiwalay sa asawa, samantala si Dayan ay mayroong asawa, na ayon kay De Lima ay hiwalay na rin.

Nitong 2015, nagbitiw na si Dayan kay De Lima. Hindi na niya inilahad ang dahilan ng pagbibitiw niya.

(Ellson A. Quismorio)