“Wag akong tularan! Pusher ako! Adik ako!”

Ito ang mga katagang nakasulat sa karton na iniwan sa tabi ng bangkay ng isang lalaki na umanoy tulak ng ilegal na droga makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Anthony Leyte, 37, ng Barangay Longos ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, dakong 2:00 ng madaling araw, nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga barangay tanod sa General Borromeo Street, Barangay Longos, Malabon City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makalipas ang ilang sandali ay nakita umano ng mga tanod ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na nagmamadaling umalis.

Nang puntahan umano nila ang lugar na pinanggalingan ng mga suspek, tuluyan nang bumulaga ang bangkay ni Leyte.

Nakuha sa bulsa ng biktima ang hindi madeterminang bilang ng shabu. (Orly L. Barcala)