Patay ang isang lalaki na kalalabas lamang ng bilangguan at hinihinalang serial rapist matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang suspek sa Mandaluyong City kamakalawa.

Nasawi sa mga tinamong tama ng bala sa katawan si Ernesto Montero, nasa hustong gulang, ng Martinez Street sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, na nakarating sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), dakong 6:00 ng gabi ay naglalakad pauwi ang biktima sa Martinez Street, sa Maysilo Circle, nang biglang pagbabarilin ng dalawang ‘di pa nakikilalang suspek.

Lumilitaw sa imbestigasyon na kalalabas pa lamang sa bilangguan ng biktima matapos na ireklamo ng panggagahasa ng kanyang kapitbahay noong Nobyembre 4.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinasabing kilala ring drug addict sa lugar ang biktima at pinaniniwalaang responsable rin sa ilang insidente ng panggagahasa sa naturang barangay. (Mary Ann Santiago)