erich-at-daniel-copy-copy

HINDI lang sa magtatapos nang Be My Lady ikakasal sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, balak din nila itong gawin sa tunay na buhay.

Pero ayon kay Erich, hindi pa ito mangyayari in a year or two, dahil may mga dapat pa raw silang ayusin ni Daniel.

“At least we had a taste of it. Kahit na sa teleserye lang nangyari, eh, naramdaman naming parang totoo. I mean, na-feel talaga namin. As always, siya na talaga ‘yun,” sabi ni Erich habang nakatitig sa mukha ng boyfriend.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa ng dalaga, lahat ng mga nangyari sa serye nila ay hindi niya basta-basta na lang makakalimutan.

“Nakakalungkot lang dahil tapos na ang taping namin ng Be My Lady, pero masayang-masaya naman kami dahil nagtagal sa ere ang show namin. Sobra-sobra ang suportang natanggap namin mula sa mga televiewers,” pahayag ni Erich.

May pagmamalaki niyang sinabi na lucky charm nila ni Daniel ang isa’t isa.

“Masuwerte kami sa isa’t isa. Then, may mga blessing pang dumarating which will make ourserlves busy. We will be given a chance to help our families,” sey ng Kapamilya actress.

Inspired nga raw si Daniel ngayong nagkakasunud-sunod ang mga suwerteng dumarating.

“Kasama na niya ngayon ang mommy niya at ang younger sister sa napanalunan niyang bahay bilang Big Winner sa PBB. Her sister, Vanessa is married to a Filipino na na-meet niya dito at may pamagkin na siya ngayon. Binibiro ko nga sila na in love talaga sila sa ‘Pinas at mga Pinoy at Pinay,” nakakaaliw na kuwento ni Erich.

Nainggit nga raw ang actor noong magkaroon ng kasintahang Pinoy ang sister.

“Pero hindi na siya nakakaramdam ng inggit ngayon kasi naman, eh, he has also a Filipina to love, at ako ‘yun,” napatawa pang banggit ni Erich.

Kung may isang bagay man daw na lagi nilang ginagawa ni Daniel, iyon ay ang tumawa at dapat lang daw na lagi silang masaya.

‘”Yun talaga ang isang bagay na lagi naming ginagawa. Tawa nang tawa dahil masayang-masaya kami, may mga problema na dumarating pero hindi naming ‘yun iniintindi.

“Kumbaga, lilipas din ‘yan. Sa totoo lang din naman, kung lucky siya sa akin, eh, ganoon din ako sa kanya. I’m also luckly to have him. Ang sarap pa dahil mahal ako ng mom at sister niya,” sabi pa ni Erich.

Kung okey siya sa mga magulang ni Daniel, kamusta naman si Daniel sa magulang niya?

“May mom is also masaya din naman at nararamdaman niya at ng mga kapatid ko na mahal na mahal din sila ni Daniel,” seryosong banggit ni Ms. Erich Gonzales. (JIMI ESCALA)