michael-p-copy

LIMANG taon na sa music industry si Michael Pangilinan simula nang ma-discover ng reality show na X Factor na napanalunan ni KZ Tandingan noong 2012.

Dahil sa maraming blessings na natatanggap niya ay gusto niyang mag-give back sa mga sumusuporta sa kanya.

“Sa loob ng limang taong pamamalagi ko sa music industry, I guess it’s time for me to give back,” sabi ni Michael.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Sabi nga, its payback time sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin. 

“Over the years, I truly realized na ito talaga ang mundong gusto kong tahakin - ang pagiging singer/performer. And I’m truly grateful to all of you - to my manager (Jobert Sucaldito) who has always stood by me since day one - I promise you na hindi ko pababayaan ang karerang ito and I will be a better boy. 

“Thanks also to my audience, sa Michael’Overs na nagtitiyaga sa akin, my producers, my sponsors, members of the media na palaging nandiyan sa tabi ko and to my family - to my mom and dad and siblings - Kuya Sam and Peter, whew! 

“To my son Ezekiel na inspirasyon ko sa bawat minuto - one day ay magsasama rin tayo. Mahal na mahal kita anak ko.

And of course, to Almighty God na sobrang bait hindi lang sa akin kundi sa ating lahat. 

“Kaya dapat magkita-kita tayo sa Rajah Sulayman Park sa November 26 at magkantahan tayo.

“Gusto ko ring ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat kina Mama Laarni Enriquez at Tito Joseph Estrada for allowing me to hold my free concert sa Rajah Sulayman. Hinding-hindi ko po makakalimutan itong regalo n’yo sa akin.”

Ang titulo ng free concert ni Michael ay “Si Erap, Si Michael at ang mga Manilenyo” kasabay sa 21st birthday ng singer at gaganapin sa Rajah Sulayman Park, Roxas Boulevard, Malate, Manila on November 26, 2016 from 4-7 PM.

Magiging guest ni Michael sina Vice Ganda, KZ Tandingan, Marion Aunor,Garie Concepcion, Nikko Seagal Natividad, Boy Abunda, Kiel Alo,Ezekiel, Kyle Matthew Manalo, Jake Ejercito, Allan K, Boobsie Wonderland, Ate Gay, Atak, Harana,Bugoy Drilon, Jovit Baldevino, Pink Mannequins, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Ady Siwa, Wowowie Dancers, Richard Parojinog, Stefanie Patana at Mayor Joseph Estrada, hosted by DJ Chacha and Romel Chika.

Ang musical director ng show ay si Ivan Lee Espinosa kasama sina Marnie Jereza at Sam Gaddibilang back-up singers.

Ang “Si Erap, si Michael at ang mga Manilenyo” ay presented ng SmartBro and PLDT Home, major sponsors ang Aficionado Germany Perfume, Livergold, M Lhuillier, Erase Placenta, Harmony and Homes, Ideal Vision Center, Lily and Henry Chua, Atty.Carmelita Lozada, Mr. Neal Gonzales, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Guiguinto, Bulacan Mayor and Mrs.Boy and Precy Cruz, Ms. Josie Yu, Xentro Malls, Mr. & Mrs. Nixon atAdela Teng, Boy Abunda at Isabela Gov. Bojie Dy. (Reggee Bonoan)