aljur-kylie-copy

NAGKAROON kami ng chance na magkaroon ng URL, as in Usapang Real Love with Aljur Abrenica and Janine Gutierrez sa pocket interview na ipinag-imbita ni Coleen dela Rea of GMA-7 corporate communication na puwedeng ikonek sa “Relationship Goals” na episode ng dalawa sa ikatlong monthly presentation ng URLna napapanood sa Kapuso Sunday Grande.

About love siyempre ang topic. Si Aljur, ang balikan nila ni Kylie Padilla; at si Janine, ang hiwalayan naman nila ni Elmo Magalona.

O, devah? As in... isang binalikan, isang hiniwalayan, tsuk pasok na tusok pa. Insert smiley, u!

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Unahin muna natin si Aljur dahil sinabi naman niya sa amin nina Katotong Jun Nardo, Ambet Nabus, Jojo Panaligan at Rowena Agilada na, “You can ask anything.” O, di go, gow, maski na under the sun pa!

Bakit kayo nagbalikan ni Kylie, ha, Aljur?

“Kung makikita ninyo ‘yung lumabas na interview ko, ‘di naman talaga siya nawala. Nandoon palagi ang communication namin. We became best friends. Hindi ‘yung bakit nakipagbalikan, eh. Naramdaman namin, it’s about time.

“Naramdaman ko sa sarili ko na panahon na. Handa na kaming magkabalikan,” sagot ng binata.

Ganern? Paano sila nagkabalikan? Kanino nanggaling ang first move?

“Kami ni Kylie kasi, ‘pag may gusto akong i-share bilang isang tao, siya ang kausap ko. Ganoon din siya sa akin. So from time to time, yes, nagkikita kami at nagkukuwentuhan kami.

“This time, naramdaman namin through coffee shop. Nagsimula sa coffee shop, hours of talking. After several times na nagkikita kami, we felt na hindi naman talaga siya nawala and we felt na magbalikan.

Hindi siya mabilis. Hindi siya isang tanong lang. Proseso siya,” seryosong sabi ng Aljur na tipo tuloy kaming nasa confession room.

Hirit na tanong uli ng grupo, so, after hiwalayan blues, balikan-ek, kasalan na ba ang kasunod?

“Kasal? What I can say is mahal ko siya. Eversince na nagkahiwalay kami, we were young that time and hindi talaga siya nawala. ‘Yung nararamdaman ko para sa kanya nandito lang siya lagi sa puso ko,” very sincere pa ring sabi ng aktor.

“Every time naman we see each other and we share things about our lives, lagi rin naming napag-uusapan ‘yan. Hindi naman siya talaga nawala. It’s just that we’re mature enough to handle things.

“Hindi rin ako nawala sa kanya. Bini-verbalize namin ‘yan. It happened. Nagkabalikan kami months ago... and I am glad people accepted it,” dagdag pa niya.

So kailan niya kakausapin ang erpat ni Kylie na si Robin Padilla para ‘mamanhikan’? Matatandaan na may galit sa kanya ang daddy ni Kylie nang mag-break sila ng dalaga.

“Anytime, kung gusto niya, ‘pag pinayagan na niya ako, ready ako. I don’t want to sound mayabang ako but I believe nasa tamang panahon ‘yan, eh. Naghihintay lang ako ng tamang panahon. So, heto, kung mababasa man niya ito... Tito Robin, sa tamang panahon ninyo... na makaharap ako... pini-present ko uli ang sarili ko. Alam ko hindi naging maganda ang pangyayari noon pero mahal ko po ang anak ninyo,” pagtatapos na sabi ni Aljur.

Well, antayin na lang natin ang paghaharap nina Robin at Aljur sa tamang panahon. Abangan natin kung willing ba naman si Robinito na ibigay na ang kamay ng dyunakis niyang si Kylie para maging Mrs. Aljur Abrenica sa itinakdang panahon, para boom-boom paw! (MERCY LEJARDE)