Hinila papalabas ng bahay bago tuluyang pinagbabaril ng apat na hindi pa nakikilalang suspek ang isang lalaki na sangkot umano sa ilegal na droga sa Pateros, kahapon ng madaling araw.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi batid na kalibre ng baril ang agad ikinamatay ni Ryan Marcelo y Lascuna, 36, ng No.41-U E. Hermosa Street, San Roque, Pateros.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat na suspek na pawang nakasuot ng bonnet at full face helmet, at sakay sa dalawang motorsiklong walang plaka.

Natutulog si Lascuna sa loob ng kanyang bahay nang pasukin siya ng mga armadong lalaki at saka siya kinaladkad palabas ng bahay at pinagtulungang barilin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Pateros Police chief Sr. Supt. Joel Villanueva, kabilang ang biktima sa drug watch list ng pulisya. (Bella Gamotea)