baste-at-ellen-copy

NAG-VIRAL ang picture ni Ellen Adarna at ng presidential son na si Baste Duterte na nagli-lips-to-lips. Hindi sinabi kung saan kuha ang litrato ng dalawa na habang naghahalikan, may nakaipit na sigarilyo sa dalawang daliri ni Ellen.

Dahil sa litrato, napasinungalingan ang sinabi noong una ni Ellen na friends lang sila ni Baste, kaya madalas silang magkasama. Ang tanong ay kung may relasyon na ang dalawa at kung ano ang nangyari sa live-in partner ni Baste na may isa siyang anak.

May isa pang picture na nag-viral, ito ‘yung nasa loob sila ng eroplano on the way to Japan. Sabi ng ilang saksi, may mga kasamang lumipad for Japan sina Ellen at Baste, mga kaibigan nila.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Hindi magsasalita si Baste, kaya hindi natin malalaman ang estado ng relasyon nila ni Ellen. Mag-wish na lang ang fans ni Baste na magkukuwento si Ellen tungkol sa kung anumang namamagitan sa kanila.

Pero dahil nga nakunang naghahalikan, tiyak nang more than friends sila.

Anyway, naglabas ng statement ang kampo ni Baste through his manager Betchay Vidanes tungkol sa nag-viral na kissing photo nina Ellen at Baste:

“As the management team of Mr. Baste Duterte, we do not meddle in personal relationships of the celebrities we handle. They are entitled to be close to any person they chose to.

“As for Baste, he is not married and he doesn’t label his relationsip.” (Nitz Miralles)