kris-copy

SINAGOT ni Kris Aquino ang mga tanong ng kanyang followers sa Instagram kung babalik pa ba siya sa ABS-CBN at kung kailan? Ang iba, nanawagan sa network na kunin uli nila si Kris at bigyan ng bagong show.

“Heartwarming sentiments BUT ABS-CBN no longer wants me. #truth,” sagot ni Kris.

Lalong nalungkot ang followers ni Kris sa kanyang sagot at gusto nilang malaman kung bakit? May nagbabalak pang sumulat sa ABS-CBN para hingin na ibalik siya sa network, pero parang malabo batay na rin sa sagot ni Kris.

Trending

Tatlong 'akyat-bahay’, hindi inatrasan ng matapang na nanay sa India

Sa isa sa latest posts ni Kris, sinabi niyang magpapa-miss muna siya sa kanyang fans at followers sa social media.

“Praying, working, and collaborating on this... So until our launch w/c is coming very soon, we’re going to be focused on creating many interesting & exciting surprises for you... Until then -- I’m going to let you miss me a bit...”

Sa sinabi ni Kris na magpapa-miss siya sa kanyang fans/followers, may mga nag-interptet na baka aalis na muna siya at ang mga anak na sina Josh at Bimby para magbakasyon. (NITZ MIRALLES)