SOFIA (AFP) -- Nahaharap sa kawalang–katiyakan ang Bulgaria nitong Lunes matapos magbitiw si Prime Minister Boyko Borisov kasunod ng pagkatalo ng kanyang presidential nominee na si Tsetska Tsacheva sa kamay ni Moscow-friendly general Rumen Radev na suportado ng Socialist opposition.
‘’I apologise to those who supported us. I thought I was doing the right thing,’’ sabi ng premier, noong Linggo ng gabi.
Nangangamba ang mga kritiko na sa sorpresang panalo ni Radev ay muling papanig ang dating komunistang Bulgaria sa Russia .