ISULAN, Sultan Kudarat – Nasugatan ang isang pulis at isang sundalo sa pagsalakay ng mga awtoridad sa sinasabing mga pangunahing supplier ng shabu sa Sultan Kudarat kamakailan.

Isang PO1 Tanaleon ang nasugatan, kasama ng isang hindi pa nakikilalang sundalo, makaraang salakayin ng mga operatiba ng Isulan Police at 19th Infantry Battalion ng Philippine Army ang pinaglulunggaan ng umano’y big-time shabu suppliers na si Bai Masla at isang Datu Etem sa Ampatuan at Datu Hofer sa Maguindanao.

Pinaniniwalaang sa dalawang suspek nagmumula ang malaking bulto ng supply ng shabu sa Region 12.

Ayon sa report, sinalubong ang mga awtoridad ng pagpapaputok ng baril ng mga suspek na ikinasugat ni Tanaleon at ng sundalo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kapwa nasa maayos nang kalagayan ang dalawang nasugatang awtoridad.

Napag-alaman na ilan din sa grupong armado ang nasugatan sa engkuwentro, gayunman nakatakas umano ang dalawang target ng operasyon. (Leo P. Diaz)