Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na huwag kalimutang dalhin ang requirements sa pagparehistro para sa 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na muling binuksan nitong Nobyembre 7.

Binanggit ni Comelec Spokesperson James na magdala ng valid identification cards (IDs) na may larawan at nakasaad ang address, sa pagtungo sa mga tanggapan ng Election Officers (EOs) para magpatala.

Kabilang sa valid IDs na maaaring ipresinta ng nais maging botante ng barangay ay mga government-issued IDs, corporate IDs, school IDs, senior citizen ID, at National Bureau Investigation (NBI) clearance.

Muli ring nanawagan si Jimenez sa mga botante na maagang magpatala upang hindi mahirapan sa pagpila sa huling araw ng registration period sa Abril 29, 2017. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter