Kevin Love,Paul Millsap

Winning run ng Cavs, natigil ng Hawks sa pito.

CLEVELAND (AP) – Naisalpak ng Atlanta Hawks ang krusyal jumper sa makapigil-hiningang laro para dagitin ang 110-106 panalo at tuldukan ang 11-game losing skid sa Cavs nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Quicken Loans Arena.

Kumana sina Kent Bazemore, Paul Millsap, at Dennis Schroder ng jumper para tapatan ang ratsada ng Cavs big three nina LeBron James, Kyrie Irving at Kevin Love.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Umiskor si Schroder ng limang sunod na puntos para ibigay sa Hawks ang 106-97 bentahe may dalawang minuto ang nalalabi sa laro. Nakabawi ang Cavs mula sa magkasunod na three-pointer nina James at Irving para maiskir ang iskor sa tatlong puntos.

Umiskor si Millsap ng jumper may 30 segundo sa laro para sa 108-103 bentahe. Nakakita ng munting pag-asa ang Cavs mula sa three-point ni Love, subalit pumuntos si Bazemore para selyuhan ang panalo may anim na segundo sa laro.

Natipa ng Hawks ang pinakamalaking bentahe sa 18 puntos sa third quarter, ngunit nanalasa si James sa natipang 14 puntos sa naturang period para tapyasin ang kalamangan.

Subalit nagpakatatag ang Hawks, sa pangunguna ni Schroder na umiskor ng 28 puntos para sa ikalawang sunod na panalo sa pitong laro, habang dinungisan ang dating malinis na karta ng Cavs sa nakalipan na pitong laro.

Nag-ambag sina Bazemore at Millsap ng 25 at 21 puntos, habang nalimitahan si Dwight Howard sa pitong puntos, ngunit may 17 rebound.

CLIPPERS 114, PISTONS 82

Sa Staple Center, naglalagablab ang mainit na shooting sa three-point area ng Los Angeles Clippers, tungo sa season-high 31 three pointers, kontra Detroit Pistons.

Kumana ng tig-apat na three-pointer sina Chris Paul at JJ Redick, ngunit ang matikas na opensa ni Blake Griffin sa kaagahan ng laro ang nagbigay bentahe sa Clippers.

Umabante ang Los Angeles sa 62-32 sa secod half at napalawig ito sa matikas na opensa ng Clippers.

Nanguna si Andre Drummond sa Pistons sa naiiskor na 15 punto at 12 rebounds, habang nag-ambag sina Tobias Harris at Jon Leuer ng tig-12 puntos.

NETS 119, WOLVES 110

Naisalba ng Brooklyn Nets ang matikas na paghahabol ng Minnesota Timberwolves sa Barclays Center.

Nanguna Marc Lopez sa Nets na umiskor ng double digits sa natipang 22 puntos.

Nabalewala ang 21 puntos ni Karl Anthony Towns, habang si Zach LaVine ay may 17 puntos.

GRIZZLIES 108, NUGGET 107

Naisalpak ni Marc Gasol ang ng game-winner sa buzzer para pangunahan ang Memphis Grizzlies sa panalo kontra Denver Nuggets.

Naghahabol ang Nuggets sa 105-106 sa krusyal na sandali nang makapuntos si Emmanuel Mudiay sa baseline jumper may pitong segundo sa laro para agawina ng bentahe.

Ngunit, sa isang play naagaw ni Mike Conley ang pasa para kay Mike Miller, sapat para maihanda ang huling tira.

Nanguna si Vince Carter sa Gizzlies sa naiskor na tem-high 20 puntosm habang I Zach Randolph ay may 16 puntos.

Hataw si Mudiay sa nakubrang 23 puntos.