erwin-tulfo-copy-copy

MULA mismo sa maimpluwensiyang talent at isa sa pinagkakatiwalang host ng TV5 na si Erwin Tulfo ang pahayag na maaaring maging talent na rin ng Kapatid Network si Kris Aquino.

For a start nga raw ay iinterbiyuhin ni Ms. Kris for TV5 si President Rodrigo Roa Duterte.

Ang naturang interbyu ni Kris sa presidente ay magaganap sa Davao City, kaya dadayuhin daw ito ng Queen of All Media roon. Wala naman daw problema sa bagong talent management agency ni Kris at lalong-lalo na sa GMA-7 dahil wala pa namang kontrata si Kris sa alinmang network.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pagkatapos ng mahigit pitong buwang absence sa TV screen, masayang ibinalita ni Kris ang nakatakdang pagbabalik niya sa mundo ng telebisyon.

Dagdag pa ni Erwin Tulfo, welcome na welcome sa kanya kung tuluyan nang maging talent ng TV5 Network si Kris. At kahit aminado siya na may mga bagay-bagay na pagkakaiba sa kanilang dalawa ay naniniwala siya na magiging malaking tulong si Kris para sa TV5.

Very welcome din sa kanya kung sakaling pagsamahin sila ni Kris sa isang TV show.

Ibinunyag ni Erwin na bagamat tuluyan na niyang iniwan ang pagiging empleyado ng TV5 ay mananatili pa rin siya sa network bilang talent at maaari siyang mag-produce ng sarili niyang TV show rito. (JIMI ESCALA)