Isang libreng prayer concert ang idinaos kahapon sa Rizal Park ng mga grupong tutol na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Dakong 4:00 ng hapon nang simulan ang konsiyerto sa Lapu-Lapu Monument sa Rizal Park. Nagtanghal sa okasyon sina Bayang Barrios, Cooky Chua, Noel Cabangon, Vin Dancel, Paul Galang, Zaldy de los Reyes (ng Lazaro), mga bandang The Jerks, Halik ni Gringo, My Ex-Girlfriend, Loan Sharks, at ang Mass Appeal choir.

Pinamagatang “Pray for Eight: A Prayer Concert,” itinaon ang konsiyerto sa nakatakdang pagpapasya ng mga mahistrado ng Korte Suprema bukas, Nobyembre 8, kung papayagan o hindi na mailibing sa LNMB ang dating pangulong Marcos.

(Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter