PHILADELPHIA (AFP) – Tatlong araw bago ang eleksyon, sumuporta si Katy Perry sa kampanya ni Hillary Clinton sa Philadelphia nitong Sabado.

‘’All the campaigning in the world doesn’t mean anything if people don’t vote,’’ sabi ni Clinton, matapos ipakilala ang masugid niyang tagsuporta na si Perry. ‘’Stand up for what you believe. Know the power of your own voice.’’

Kasunod nito ay itinanghal ng 32-anyos na si Perry ang kanyang sikat na awiting ‘’Roar,’’ na palaging pinatutugtog sa mga kampanya ni Clinton.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo