CUYAPO, Nueva Ecija - Isang kilabot na miyembro ng Quinto robbery hold-up gang na sangkot din umano sa serye ng carnapping at iba pang krimen ang nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Balungao Municipal Police sa Pangasinan at Cuyapo Police sa Nueva Ecija, nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, ang naaresto na si Darwin Villapa, may asawa, walang trabaho, ng Barangay Esmeralda, Balungao, Pangasinan.
Dakong 8:30 ng umaga nang maaresto ang suspek, na ayon kay Cornel ay sangkot sa mga kaso ng robbery hold-up at carnapping at ikatlong most wanted ng Cuyapo Police. (Light A. Nolasco)