BATANGAS - Dalawang lalaki na kapwa sumuko sa mga awtoridad, alinsunod sa kampanyang Oplan Tokhang, ang pinatay sa magkahiwalay na lugar sa Batangas.

Nakagapos ng nylon cord ang mga kamay at may tama ng bala sa ulo at katawan nang matagpuan si Kenneth Malabanan, 43, taga-Lemery, na dalawang beses nang naaresto dahil sa droga.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:45 ng umaga nitong Martes nang matagpuan ang bangkay sa bakanteng lugar sa Barangay Ayao-Iyao, Lemery.

Agosto nang sumuko sa pulisya si Malabanan dahil nasa drug watchlist siya.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Bandang 7:10 ng gabi naman nang barilin ng hindi nakilalang suspek si Danilo Malabanan, 48, habang naglalakad pauwi sa Bgy. Poblacion, San Pascual.

Nasa drug watchlist din si Danilo, na sumuko sa Oplan Tokhang noong Hulyo. (Lyka Manalo)