Asahan pang madadagdagan ang 11,200 katao na dumagsa sa Manila South Cemetery sa Makati City kahapon ng hapon.

Ito ang naitalang bilang ng mga bisitang nagtungo dito dakong 3:30 ng hapon.

Nakakumpiska naman ang mga tauhan ng Makati City Police ng 17 patalim at iba pang matutulis na bagay na mahigpit na ipinagbabawal na ipasok sa loob ng nasabing sementeryo.

Wala pang nahuhulihan ng alak at ibang nakalalasing na inumin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bandang 9:30 ng umaga, naitala ng pamunuan ang 5,000 visitors na maagang dumalaw sa mga puntod ng kani-kanilang kaanak.

Karaniwang layunin ng mga ito na maagang magtungo sa sementeryo upang makaiwas sa pakikipagsiksikan sa malaking bulto ng taong dadagsa naman ngayong Martes. (Bella Gamotea)