CAPAS, Tarlac - Isang barbero na pinaniniwalaang matagal nang minamanmanan ng mga riding-in-tandem criminal ang walang awang pinagbabaril hanggang mapatay sa Barangay Cut-Cut 2nd sa Capas, Tarlac, nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ni PO3 Arthur Alzadon ang biktimang si Alberto Rivera, 40, may asawa, ng Bgy. Sta. Rita, Capas, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 10:30 ng umaga, habang nasa balkonahe ng bahay si Rivera ay biglang dumating ang apat na armado na lulan sa dalawang motorsiklo at pinagbabaril siya. (Leandro Alborote)