CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Isang pulis na katatapos lamang dumalo sa court hearing ang napatay matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Ilag sa San Teodoro, nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni Senior Supt. Christopher C. Birung, director ng Oriental Mindoro Police Provincial Office, ang biktimang si PO1 Jojet Buenavista, nakatalaga sa San Teodoro Municipal Police at residente ng Sitio Paraway, Bgy. Dulangan, Puerto Galera.
Batay sa imbestigasyon, sakay sa kanyang motorsiklo ang pulis matapos dumalo sa pagdinig ng korte nang harangin at pagbabarilin siya ng mga hindi nakilalang suspek. (Jerry J. Alcayde)