LUBAO, Pampanga – Inaresto ng mga awtoridad ang isang barangay kagawad at kasamahan nito sa isang buy-bust operation nitong Huwebes ng hapon.

Dinakip si Ric Manuntag Manabat, 50, may asawa, kagawad ng Barangay Sto. Tomas at high-value target na drug personality sa Region 3; at John De Leon Fernando, 29, binata, walang trabaho, at Paralaya 2, Bgy. Sto. Tomas, Lubao.

Ayon kay Senior Supt. Joel Rentoy Consulta, officer-in-charge ng Pampanga Police Provincial Office (PPO), naaresto ang mga suspek sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Lubao Municipal Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa Bgy. Sto. Tomas dakong 2:30 ng hapon.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 37 maliliit na plastic sachet na may hinihinalang shabu, P1,000 marked money, isang pulang pouch at isang itim na Suzuki motorcycle (AC-43053). (Franco G. Regala)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog