Bulagta ang tatlong lalaki makaraang harangin at pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa Pasay City, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on the spot sina Jackie Flores, alyas “Chan-Chan”, 30, hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Apelo Street, Pasay City, nakatira sa No. 704, A-67 Apelo Cruz, Bgy. 157, Zone 16 ng nasabing lungsod; Diosdado Kim Escamillas, alyas “Kim”, 24, ng No. 112 Bgy. Masinsur, Baloyboy, Candelaria, Quezon; at Christian Reyes, alyas “Tao”, 39, ng Apelo Cruz St., Pasay City.

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sakay sa dalawang motorsiklong walang plaka na tumakas sa magkahiwalay na direksiyon.

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Giovani Arcinue, imbestigador ng Pasay City Police, dakong 10:15 ng gabi nangyari ang insidente sa panulukan ng F.B. Harrison St., at Arnaiz Avenue, Bgy. 68, Zone 9.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober ang 11 basyo ng bala ng .9mm pistol, dalawang basyo ng kalibre .45 baril, isang fired bullet at isang deformed fired bullet.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)