TARLAC CITY – Matitinding palo sa ulo ang natikman ng isang ginang makaraang saktan siya ng kanyang live-in partner nang hindi nito nagustuhan ang inihanda niyang ulam sa Riverside Lor, Barangay Matatalaib sa Tarlac City, nitong Martes ng gabi.

Ayon sa report ng Tarlac City Police, gumamit si Franklin Picaso, 36, construction worker, ng kapirasong buko ng kawayan upang paghahatawin sa ulo ang 42-anyos niyang kinakasama.

Nauna rito, lasing na umuwi si Picaso at nang malamang sinampalukang isda ang inihanda ng biktima para sa kanya ay nagalit siya, pinagpapalo ito sa ulo at nagbanta pang papatayin ang ginang at ang mga anak nito. (Leandro Alborote)

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay