Patay ang mag-live-in partner na umano’y sangkot sa ilegal na droga makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanilang bahay sa Pateros, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang mga biktima na sina Jojo Tulad at Elsie Addun y Yanos, kapwa nasa hustong gulang, ng No.15A de Borja Compound, Sta. Ana, Pateros, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Blangko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang nakasuot ng bonnet at helmet na nagsitakas matapos ang krimen.

Sa ulat na natanggap ni Pateros Police Station chief Sr. Supt. Joel Villanueva, dakong 3:00 ng madaling araw nangyari ang pamamaril.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Himbing na himbing umano ang dalawang biktima nang pasukin ng mga armado at walang awang pinagbabaril ang mga ito na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Base sa imbestigasyon, kabilang sa drug watch list ng Pateros Police sina Tulad at Yanos.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)