CABANATUAN CITY - Halos nadoble na ang presyo ng ilang gulay matapos magkasunod na manalasa sa bansa, partikular sa Central at North Luzon, ang mga bagyong ‘Karen’ at ‘Lawin’.

Ayon kay Bernadette San Juan, ng Agri-Business and Marketing Assistance ng Department of Agriculture (DA), nadagdagan ng P20 hanggang P80 pesos ang presyo ng gulay.

Ang patatas na dating P60 kada kilo ay P100 na ngayon, habang ang sayote, Baguio beans, talong, ampalaya,at cauliflower, maging ang usbong ng sampalok, ay nasa P150 na ang per kilo sa Benguet, gayong P120 lang ito dati.

Daing pa ng ilang tindera mula sa Sangitan Public Market sa siyudad na ito, nahihirapan silang mag-angkat ng gulay dahil nagsilubog sa baha ang mga aanihin dapat nila sa mga tumana sa Nueva Ecija at karatig-lalawigan, kaya naman kakaunti ang supply.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nilinaw din ni San Juan na tanging ang gulay lang mula sa Benguet ang dumoble ang presyo.

Hindi naman gumalaw ang presyo ng luya, bawang at sibuyas sa dahil marami ang smuggled o imported nito na naglipana sa ilang pamilihan. (Light A. Nolasco)