Hinimok ni Senate Minority Leader Ralph Recto ang pamahalaan na tanggalin ang ‘red tape’ sa mga transaksyon na may kinalaman sa rehabilitasyon o pagresponde sa mga kalamidad.

Ayon kay Recto, kumplikado ang mga kahilingan, at pagpapalabas ng calamity funds kaya’t mabagal ang implementasyon ng rehabilitasyon.

“Red tape itself is a man-made calamity. If we want to turbo charge the release of aid money, then we must first change the rules,” ani Recto.

Iminungkahi ng Senador na rebisahin ang mga alituntunin at gabay sa pagkuha ng calamity funds para mapabilis ito. - Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji