NAKAKUHA kami ng impormasyon mula sa isang very reliable source sa Movie and Television Review and Classification Board na may ilalagay na raw ang Malacañang bilang kapalit ni Atty. Eugene Villareal as MTRCB chairman. Malamang daw na ipahayag na next week ng Malacañang ang susunod na mamumuno sa naturang ahensiya. Ayon sa source namin, malamang daw na taga-showbiz ang ipalit kay Atty. Toto.

Sa hanay naman ng kasalukuyang board members, halos lahat daw ay may kapalit maliban sa dalawang mananatili o mai-extend ang termino for another year.

Sa pagkakaalam kasi ng source namin ay every year na raw ang gagawing pag-a-appoint ng uupong board members ng MTRCB.

Nakita na raw ng source namin ang listahan ng mga itinalaga ng Malacañang bilang bagong board members at kasama na nga rito ang dating MTRCB chief na si Ms. Consoliza Laguardia at si Federico Moreno. (Jimi Escala)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter