andre-at-mikee-copy

ANG dalawa sa cast ng Encantadia na sina Andre Paras at Mikee Quintos ang tampok sa second installment ng Usapang Real o URL na “Perfect Fit” ang episode title. This Sunday, pagkatapos ng GMA Blockbusters mapapanood ang episode na cast member din sina Jay Arcilla, Arra San Agustin, Bern Joseph Persia, William Lorenzo at Mickey Ferrios mula sa direction ni Jorron Monroy.

Una nang nagkasama sa Encantadia sina Andre at Mikee bilang sina Wahid at Lira respectively pero kabilang lang sila sa maraming cast. Pero sa “Perfect Fit,” sila na ang mga bida.

“Akala ko habang airing ang Encantadia doon na muna ako mapapanood. Hindi ko inakalang kukunin nila ako para sa Usapang Real. Lead star na at dual role pa, sobra akong excited and at the same time, na-challenge dahil dual role ang ginagampanan ko bilang sina Cindy at Ella. Sana magustuhan ng viewers,” sabi ni Mikee.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ako, happy and super excited for this project. I’ve got to do medyo serious acting again. Sa Encantadia, comedy ako, but I love both roles,” ayon naman kay Andre.

Malakas ang chemistry nina Andre at Mikee at importante ito kay Direk Jorron lalo’t romantic comedy ang “Perfect Fit.”

Matagal nang magkakilala ang dalawa kahit noong wala pa sila sa showbiz dahil may common friends sila, kaya kung minsan ay nagkikita sa mga gimikan.

Anyway, parehong nagmarka ang role nina Andre at Mikee sa Encantadia at umaasa ang dalawa na magugustuhan at mamahalin ng viewers sina Eugene (Andre) at Cindy at Ella (Mikee) sa URL. (NITZ MIRALLES)