PARA sa kanyang comeback concert ngayong araw, magkakaroon ng major throwback si Taylor Swift.
Magtatanghal ang Grammy-winning artist sa Formula 1 United States Grand Pix, ang kanyang unang concert ngayong taon.
Nagbigay ng patikim ang Blank Space singer sa kanyang fans sa serye ng rehearsal video clips sa kanyang Instagram account.
Sa isang post, mapapanood si Swift na kinakanta ang 2009 hit song niyang Fifteen habang tumutugtog ng gitara.
Ipinakita rin sa isa pang video na nakiki-jamming ang singer sa backup band habang kinankata ang We Are Never Ever Getting Back Together.
Inimbitahan din ni Swift ang kanyang fans sa isang maikling video.
“I cant wait to see you this weekend in Austin, Texas,” aniya.
Inaasahan ng chairman ng Circuit of the Americas, tahanan ng American circuit ng Formula one, ang malaking audience para sa “top performer in the world.”
“It will be a one-off show. Her [Swift’s] only show in 2016. We think we can bring in 100,000 new people and put on the biggest show,” saad ni Bobby Epstein, chairman ng Circuit of the Americas, sa isang panayam. (MB Online)