Kabilang sina Jayson Castro at Terrence Romeo sa tatanggap ng parangal sa gaganaping 2016 PBA Press Corps Annual Awards Night sa Sabado sa Gloria Maris restaurant.

Tatanggap din ng pagkilala si Rookie of the Year Chris Newsome sa magaganap na parangal.

Ipagkakaloob kay Castro ang Accel Order of Merit Award, habang muling tatanggapin ni Romeo ang karangalan bilang league’s scoring champion sa pagtitipon na sisimulan ng 7:00 ng gabi.

Ang Order of Merit ay iginagawad sa manlalarong nabigyan ng pinakamaraming Player of the Week citation ng press corps.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Ang TNT Katropa guard ay nagtala ng average na 24.89 puntos sa 37 laro ngayong season upang tanghaling league’s top scorer .

Pangungunahan naman ng Meralco guard na si Newsome ang limang manlalaro na napili para bumuo sa Accel All-Rookie team.

Kasama ng dating Ateneo standout sina TNT Katropa forward Troy Rosario, Art Dela Cruz ng Blackwater, Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine, at Barangay Ginebra guard Scottie Thompson.

Tampok sa event na taglay ang Chancellor bilang official outfitter, ang paggawad sa Baby Dalupan Coach of the Year award.

Bukod dito, bibigyan din ng parangal ang mga mapipiling Executive of the Year, Mighty Sports Defensive Player, Bogs Adornado Comeback Player of the Year, Mr. Quality Minutes, at ang ibinabalik na All-Interview team. (Marivic Awitan)