HALATANG tuwang-tuwa si Kristoffer Martin nang mag-comment ang crush niyang si Solenn Heussaff ng “Hit!!! Mature na huhu” sa ipinost niyang picture sa Instagram na nagwu-workout siya.

May hawak na dumbbell si Kristoffer at litaw ang biceps at kita ang gumandang katawan.

All caps ang reaction ni Kristoffer na, “OMG NAGCOMMENT CRUSH KOOOO. WAAAAH!!!”

Natuwa para kay Kristoffer ang kanyang followers dahil sa comment ni Solenn at asahang mas sisipagin pa ang aktor na mag-workout.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Bakit kaya hindi lubusin ng GMA-7 ang kilig ng aktor, i-guest siya sa Taste Buddies na host si Solenn sabay ng promote ng Afternoon Prime nila ni Joyce Ching na Hahamakin Ang Lahat.

Sa October 31 na ang pilot ng Hahamakin Ang Lahat na balik-tambalan nina Kristoffer at Joyce. Sa ipinapakitag teaser, may kissing scene ang dalawa at marami pa raw eksena na hindi nila dating ginagawa.

Mahusay na aktor at guwapo si Kristoffer, kaya sana ay i-push na siya for stardom ng kanyang mother studio. Sana ay sa Hahamakin Ang Lahat na magsimula ang pagtutok sa kanya ng GMA-7 hanggang sa sumikat. Sayang kasi ang kahusayan at kaguwapuhan kung hindi naman makikilala ng marami.

Kumakanta rin si Kristoffer, naglabas na siya ng single under GMA Record kasama ang ilang Kapuso talents, pero digital copy lang ang na-release. Siya rin ang kumanta ng theme song ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes.

(Nitz Miralles)