angelica-at-john-lloyd-kasama-ang-staff-ng-sarsa-restaurant-copy

NAGKAKABALIKAN nga ba sina sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban? Exclusively dating nga ba sila uli? Sa kanila ba nangyayari ang Second Chance (blockbuster movie nina Lloydie at Bea Alonzo)?

Ito ang mga katanungan ng kanilang fans ngayon.

Nakita kasi silang magkasama sa Sarsa Kitchen restaurant sa Rockwell. Hindi pa alam kung magka-date ang ex-couple o hindi sinasadyang nagkita sa Rockwell at nagkayayaan lang na kumain.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May ebidensya sa pagkikita ng dalawa dahil may picture silang kasama ang staff ng resto na siya ring nag-upload ng picture na ang caption ay “Monday just got very exciting.”

Nakakatuwang basahin ang comments ng netizens na nakakita sa picture at marami ang natutuwa na friends pa rin ang dalawa kahit nag-break na. May umaasang magkakabalikan sina John Lloyd at Angelica.

Pero may nag-warning din sa dalaga na huwag nang makipagbalikan kay John Lloyd dahil iiwan din siya nito.

Pero anuman ang maging desisyon nina John Lloyd at Angelica sa kanilang dating relasyon, sila lang ang masusunod at walang sinuman ang dapat makialam.